Connect with us

Sen. Go, isinusulong ang mas responsive na healthcare system

Isinulong ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go  ang reporma at mas responsive na healthcare system sa PhilHealth kasabay ng paghimok sa ahensiya na bayaran na ang mga unsettled nito sa Philippine Red Cross.

National News

Sen. Go, isinusulong ang mas responsive na healthcare system

Isinulong ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go  ang reporma at mas responsive na healthcare system sa PhilHealth kasabay ng paghimok sa ahensiya na bayaran na ang mga unsettled nito sa Philippine Red Cross.

Sa pagdinig ng kanyang komite sa Senado , kinilala ni Senator Go ang mga nagawa ni Health Secretary Francisco Duque  pero binanggit niyang suportado niya ang Senate Bill no.  1829 na nag-aatas sa Kalihim ng Department of Finance bilang  Chairman ng PhiHealth.

Ayon kay Go, ginagawa naman ni Secretary Duque ang lahat para matugunan ang COVID-19 pandemic  kung saan kasama ito at ang IATF  sa mabigat ang responsibilidad ngayong hinaharap ng bansa ang  pandemic .

Kaugnay nito, hinimok ni Go  na ngayong nahaharap sa health crisis ang bansa, mahalagang  magtulungan ang lahat para maisaayos ang serbisyo para sa tao.

Aminado naman si Go na hindi na ito ang unang pagkakataon na nasasangkot sa kontrobersiya ng pondo ang PhilHealth kaya napapanahon na aniya para pumasok sa eksena  ang Department of Finance  kasabay ng paliwanag na ang Philhealth ay isang insurance  corporation kaya mas makabubuting pangunahan ng Kalihim  ng Finance ang board nito.

Dahil sa expertise aniya sa pera ng  DOF Secretary ay malaki ang maitutulong  para mabantayan  ang bawat piso sa pondo ng  ahensiya na pinagpaguran ng mga nagko-contribute na miyembro.

Hinamon naman ni Go si Secretary Carlos Dominguez na protektahan  niya ang  interest ng publiko  at tiyakin na maayos na nagagamit ang pondo ng ahensiya.

Tiniyak din ni Go na handa sila ni Pangulong  Rodrigo Duterte na tumulong para maipakulong  ang mga corrupt officials ng PhilHealth.

More in National News

To Top