Connect with us

Sen. Go, handang makatrabaho sino man ang makatambal nito sa 2022 elections

Inihayag ni Senador Bong Go na handa siyang makatrabaho kung sino man ang mapipili ng PDP-Laban na makatambal nito sa 2022 elections.

National News

Ito ang pahayag ni Go sa isang panayam kasabay ng pagbukas ng Malasakit center sa Valenzuela City.

Ibig sabihin, ani Go, mahalaga lamang dito na maipagpapatuloy nilang pareho ng kanyang magiging ka-tandem ang mga magagandang programa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Katulad na lamang ang kampanya ng Administrasyong Duterte laban sa iligal na droga, kriminalidad, at korupsiyon.

Kasama na rin ang adhikaing maipagpapatuloy ang Build, Build, Build Projects ng gobyerno, ang libreng edukasyon at pagpapagamot.

Sa kabilang banda, nagbigay garantiya naman si Sen. Go na kung papalarin siyang mahalal na bise presidente sa susunod na taon, ay kanyang tiniyak na gagawin niya ang lahat ng tulong, pagmamalasakit, pagmamahal at pagseserbisyo sa bayan.

Ibinahagi naman ni Go ang mga payo at mga natutunan niya mula kay Pangulong Duterte pagdating sa pagiging public servant.

More in National News

Latest News

To Top