Connect with us

Sen. Gatchalian, nanawagan na itaguyod ang kapakanan ng mga batang apektado ng bagyong Odette

Sen. Gatchalian, nanawagan na itaguyod ang kapakanan ng mga batang apektado ng bagyong Odette

National News

Sen. Gatchalian, nanawagan na itaguyod ang kapakanan ng mga batang apektado ng bagyong Odette

Hinihimok ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH), at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga batang apektado ng bagyong Odette.

Ayon sa DepEd, tinatayang 15,000,000 mag-aaral sa 35,698 na mga paaralan ang naapektuhan ng bagyo.

May be an image of 4 people, people standing and indoor

Samantalang 671 na mga paaralan ang ginagamit bilang mga evacuation centers.

Maliban sa pagkakaroon ng mga ligtas na espasyo para sa mga bata, giit ngayon ni Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture na dapat tugunan ang pangangailangan ng mga kabataan pagdating sa kalusugan, psychosocial support, at iba pa.

 “Hinaharap ng maraming mga kabataan ngayon ang pinagsamang panganib na dulot ng pandemya at pinsala ng bagyong Odette. Mahalagang matutukan natin ang pangangailangan nila pagdating sa kalusugan at kaligtasan, kabilang na ang ligtas na pagpapatuloy ng kanilang edukasyon at iba pang mga serbisyo,”

Dapat din aniyang mabigyan ang mga ito ng health at sanitation kits dahil nananatiling banta sa kalusugan ng publiko ang COVID-19.

Dagdag pa ni Gatchalian, mahalagang tutukan sa rehabilitation efforts ang ligtas na pagbabalik at pagpapatuloy ng edukasyon.

Kasunod ito ng nakatakdang pagpapalawig ng DepEd ng limited face-to-face classes sa enero ng susunod na taon, sinabi rin ng senador na dapat bigyang prayoridad ang kaligtasan ng mga paaralan sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.

More in National News

Latest News

To Top