Connect with us

Sen. De lima, walang dahilan para magdiwang sa pagbasura ng kanyang kaso – Malacañang

Sen. De lima, walang dahilan para magdiwang sa pagbasura ng kanyang kaso

National News

Sen. De lima, walang dahilan para magdiwang sa pagbasura ng kanyang kaso – Malacañang

Para sa Malacañang, walang dahilan si Senador Leila De Lima para magdiwang sa kabila ng pagbasura ng Muntinlupa Regional Court sa kanyang drug-related case.

Sa press briefing, binigyan-diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isa lamang sa tatlong drug cases ng senadora ang ibinasura ng korte.

Dalawa pa aniya ang nakabinbin sa korte.

Patutsada pa ni Roque, paano magdiriwang si de Lima gayong nanatili pa rin ito sa kanyang selda.

Una nang sinabi ni de Lima na ang pagkakaabswelto sa kanya kahit sa isang kaso lamang sa ilalim ng Administasyong Duterte ay isang moral victory.

Si de Lima na kilalang kritiko ng Administrasyong Duterte ay kasalukuyang nakadetine sa Philippine National Police custodial center in Camp Crame.

More in National News

Latest News

To Top