Connect with us

Sen. De Lima, muling kakandidato sa pagka-senador sa susunod na eleksyon

“Hindi ako susuko, tuloy ang laban”Ito ang inihayag ni Senador Leila De Lima kasabay ng pagkumpirma na muli siyang tatakbo sa pagkasenador

National News

Sen. De Lima, muling kakandidato sa pagka-senador sa susunod na eleksyon

“Hindi ako susuko, tuloy ang laban” Ito ang inihayag ni Senador Leila De Lima kasabay ng pagkumpirma na muli siyang tatakbo sa pagkasenador sa 2022 elections.

Sa liham ni de Lima kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nito na ang pagpapakulong sa kanya ng pangulo ay lalo lamang nagpalakas sa kanya.

Dumoble aniya ang kanyang pagsisigasig na ibalik ang hustisyang niyurakan nito.

Tiniyak din ng senador na sa kanyang muling pagtakbo, sisingilin niya si Duterte sa anim na taon na ‘pambabalasubas nito sa bansa”.

Samantala, ilang araw bago ang pinal na State of the Nation Address (SONA) ng pangulo sa July 26, binatikos ni De Lima si Duterte sa kabiguan na tuparin ang kanyang campaign promises lalo na sa isyu ng illegal drugs, corruption, West Philippine Sea (WPS) at ekonomiya.

Ngunit ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, naisakatuparan ng punong ehekutibo ang mga pangako nitong magkaroon ng komportableng pamumuhay ang mamamayang Pilipino.

Matagumpay din aniya na nagawa ni Pangulong Duterte ang kanyang mga pangako sa taumbayan noong 2016 nang nangangampanya pa lamang ito.

Iniisa-isa ni Panelo ang ilan sa accomplishments ni Pangulong Duterte, ilan sa mga ito ay:

  • Republic Act (RA) 10953 o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law
  • RA 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018
  • RA 11055 or the Philippine System Identification System Act
  • RA 11203 o ang Rice Tariffication Law

Dagdag pa ng kalihim, nananatiling committed si Pangulong Duterte na maging episyente at mabilis ang mga transaksyon sa gobyerno.

Isa rin sa ibinida ni Panelo ang kamangha-mangha at naglalakihang proyektong pang-imprastraktura ng administrasyon sa pamamagitan ng “Build, Build, Build” program.

Kung matatandaan, inihayag ni Pangulong Duterte na wala siyang maipagmamayabang sa naging accomplishments ng administrasyon, sa halip binigyan niya ng pagkilala ang pagsusumikap at dedikasyon ng mga myembro ng kanyang gabinete sa lahat ng mga achievements ng gobyerno.

More in National News

Latest News

To Top