Connect with us

Sen. De Lima, muling binatikos ni Pang. Duterte kaugnay sa isyu ng ilegal na droga

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na pilit na gumagawa ng isyu si Senator Leila De Lima sa lahat ng mga naging hakbang ng administrasyon

National News

Sen. De Lima, muling binatikos ni Pang. Duterte kaugnay sa isyu ng ilegal na droga

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na pilit na gumagawa ng isyu si Senator Leila De Lima sa lahat ng mga naging hakbang ng administrasyon partikular sa COVID-19 response nito.

Sa isang talk to the people address nitong Lunes, Abril 13, kinastigo ni Pangulong Duterte si De Lima kasunod ng mga kritisismo ng senadora patungkol sa ilang araw na hindi pagpaparamdam nito sa publiko sa gitna ng nararanasang pandemya.

Tugon naman ng punong ehekutibo rito, hindi man nasilayan ng publiko ang kanyang presensya noong nakaraang linggo, ay iginiit nitong tuluy-tuloy ang pagtatrabaho niya para sa kapakanan ng bayan.

Sinabihan pa ni pangulong Duterte si De Lima na hindi nito kaya ang mga ginagawa niya kaya pilit hinahanapan ng senadora ng isyu ang mga bagay-bagay.

” Galit ka lang kasi nagPresidente ako, galit ka lang kasi ako may ginawa sa bayan, galit ka lang kasi ako hindi ako pumayag na itong ating bayan ko pupunta sa aso…hindi mo kaya ‘yan yung ginawa ko hindi mo kaya sa totoo lang, naghahanap ka lang ng issue.”

Samantala, Habang nagpaliwanag si Pangulong duterte ukol sa mga naghahanap sa kanya, binanatan pa ng punong ehekutibo si De Lima kaugnay sa isyu ng ilegal na droga.

Sabihan pa ni Pangulong Duterte si De Lima na binastos ng senadora ang Pilipinas dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa ipinagbabawal na gamot.

“Kapag binabastos niyo ako, babastusin ko rin kayo. Kay De Lima, magtiis ka (p*** i** mo), binastos mo ang Pilipinas ng droga diyan mismo sa national penitentiary.”

Matapos ng mga naging pahayag ng chief executive, ay sinagot naman ni De Lima ang pasaring ng pangulo sa pamamagitan ng kanyang twitter account.

“Magtrabaho ka na lang Duterte. Kung nagtrabaho ka lang sana hindi tayo umabot sa ganito. Huwag ka na lang puro ngaw-ngaw.” ani De Lima

Kaugnay nito, bagama’t inamin ni Pangulong Duterte na may sakit siya pero iginiit nitong ito ay hindi malala.

Sambit pa ng pangulo, hindi rin aniya ito maka-aapekto sa kaniya upang gampanan ang tungkulin bilang pinuno ng bansa.

More in National News

Latest News

To Top