Connect with us

Sen. Bong Go, pinagsabihan si VP Leni na huwag lituhin ang publiko

National News

Sen. Bong Go, pinagsabihan si VP Leni na huwag lituhin ang publiko

Pinabulaanan ni Senador Christopher”Bong” Go ang latest remark ni Vice President Leni Robredo na isang misogynist si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Go mahal ng pangulo ang lahat ng mga Pilipino.

Anito, hindi nakakatulong ang ginagawang pambabatikos ng VP Robredo sa pangulo na halos hindi na aniya nagpapahinga sa kakaserbisyo.

Samantala itinutulak ngayon nila Sen. Kiko Pangilinan at Sen. Imee Marcos ang pagsasagawa ng probe in aid of legislation ang flood incident sa Cagayan Valley dahil umano sa walang abisong pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam.

Ayon kay Marcos, dapat na maipatawag sa inquiry ang mga concerned agency tulad ng PAGASA dahil sa bigo umano itong makapagbigay ng flood at typhoon warnings sa Northern at Central Luzon habang rumaragasa ang Typhoon Ullysses.

Banat naman ni Sen. Kiko Pangilinan, kung nakapagabigay lang sana ng warning ang mga kaukulang ahensya ay maiiwasan sana ang nangyaring kalamidad sa Cagayan Valley.

“Merong protocol yan, at hindi lang sa ilalim ng isang ahensya. Coordinated dapat with PAGASA and the local governments lalo na sa usapin ng early warning. Kailangan din dapat nagsagawa ng inspections o kaya checkup sa mga warning stations at equipment. Ang pagbababala rin ay dapat through texts, radio, local TV — lahat ng paraan,” ani Aen. Kiko.

Dagdag pa niyo,“Sa madaling sabi, kung nasunod ang mga protocol at napaghandaan nang maayos si Ulysses, maaring naiwasan sana ito”.

Una namang nilinaw ni Sen Christopher Bong Go  na base sa report ng PAGASA, 15% na pagbaha sa Cagayan at Isabela ang nagmula sa Magat dam habang ang 85% ay galing sa ulan.

Nagpahayag pa naman ng suporta si Sen.Go sa itinutulak na senate probe sa naganap na pagbaha ng Cagayan Valley.

Kaugnay nito, inihahanda na rin ng Kamara ang kanilang sariling imbestigasyon sa naganap na matinding pagbaha sa Cagayan At Isabela.

Ilan sa mga mambabatas na nagfile ng reso para sa nasabing house probe ay sina Speaker Lord Allan Velasco,Majority Leader Martin Romualdez, at Minority Leader Joseph Stephen Paduano.

Ang imbestigasyon ay pangungunahan ng  House Committee on Agriculture and Food Rep.  Mark Enverga.

“We already set the date for Tuesday next week just to ensure everyone will be there. We can ensure everyone na hindi Ito malilimutan and we will act on this as soon as possible,”

Napag-alaman na dahil sa matinding pagbaha na nangyari sa Cagayan Valley ay 100,000 ang napilitang mag evacuate at ikinasawi ng 20 katao.

 

More in National News

Latest News

To Top