Connect with us

Go, natatanging may IQ na genius; BBM isa sa pinagpipilian ng pangulo na hahalili sa kanya

Sen. Go, natatanging may IQ na genius sa lahat ng presidentiables; BBM isa sana sa pinagpipilian ng pangulo na hahalili sa kanya

National News

Go, natatanging may IQ na genius; BBM isa sa pinagpipilian ng pangulo na hahalili sa kanya

Si Sen. Bong Go lang ang may IQ na genius sa lahat ng presidentiables para sa 2022 elections.

Ito ang ibinahagi ni Butch Belgica, member ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) at isa sa bumubuo ng council of advisors ng partido sa panayam ng Sonshine Radio.

Dahil dito ayon kay Butch Belgica, kailangang makilala si Sen. Go ng taumbayan.

Kung mapapansin, kilala lang umano si Sen. Go na assistant ng presidente subalit hindi nakikita ang napakarami nitong nagawa.

Samantala, para umano maging patas, isa si Bongbong Marcos sa pinagpipilian ni Pangulong Duterte na hahalili sa kanya.

Ang problema lang ay nagkaroon ng manipulasyon dahil ang kinaka-usap lang ng kampo ni Marcos ay si Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Sinasabi ng mga ito na kaalyado sila ng pangulo subalit niisang beses ay hindi nila kinausap si Pangulong Duterte para sa isyu ng eleksiyon sa 2022.

Pananaw ni Belgica, posibleng nasaktan si Pangulong Duterte sa kanilang ginawa.

Tingin pa ni Belgica, posibleng ang ipinaglalaban ng kampo ni Marcos ang maibangon ang kanilang pangalan.

Samantala, nilinaw naman ni Belgica na si Inday Sara Duterte ang ikakampanya ng PDDS sa pagka-bise presidente.

Sa huli, umapela ito sa publiko na kilalanin ang mga kandidatong kanilang iboboto at hindi rin ito ang panahon para magsiraan.

More in National News

Latest News

To Top