Connect with us

Sen. Bong Go, malawak na ang karanasan sa trabaho ng pangulo – MRRD-NECC

Sen. Bong Go, malawak na ang karanasan sa trabaho ng pagulo - MRRD-NECC

National News

Sen. Bong Go, malawak na ang karanasan sa trabaho ng pangulo – MRRD-NECC

Malawak na ang karanasan ni presidential aspirant at Senador Christopher “Bong” Go sa trabaho ng pangulo sa bansa.

Sa ekslusibong panayam ng Sonshineradio kay Atty. Gene Mamondiong, ang chairman ng Mayor Rodrigo Roa Duterte – National Executive Committee (MRRD-NECC), sinabi nitong wala nang dapat hanapin pa ang taumbayan dahil alam na alam na ni Bong Go ang kanyang gagawin kung ito ang magiging susunod na presidente.

Tiwala din si Mamondiong na buo ang magiging suporta ng DDS kay Sen. Bong Go ngayong nalalapit na halalan dahil naitatag ang samahan para tulungan si Pang. Duterte.

Sinabi pa nito na walang dahilan na hindi susuporta ang DDS kay Sen. Go dahil siya ang pinili ng presidente na maging susunod na pangulo ng Pilipinas.

Naghikayat din ito sa lahat na suportahan si Sen. Bong Go para maipagpatuloy kung anuman ang nasimulan ni Pang. Duterte.

Maliban kay Senador Go, nagpahayag din si Mamondiong ng pagsuporta kay Mayor Inday Sara Duterte na kamakandidato sa pagkabise- presidente sa 2022 election.

More in National News

Latest News

To Top