Connect with us

Sen. Bong Go, kwalipakado rin para sa pagkapresidente kung hindi tatakbo si Mayor Sara – Pastor Apollo

Isinaad ni Pastor Apollo C. Quiboloy na si Sen. Go ang close aide ni Pang. Rodrigo Duterte ang pinaka kwalipikado bilang presidente ng bansa.

National News

Sen. Bong Go, kwalipakado rin para sa pagkapresidente kung hindi tatakbo si Mayor Sara – Pastor Apollo

Isinaad ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang executive Pastor ng Kingdom of Jesus Christ na si Sen. Christoper Bong Go ang close aide ni Pang. Rodrigo Duterte ang pinaka kwalipikado na pumalit sa kaniya bilang presidente ng bansa.

Ito aniya ay noon pang walang indikasyon na tatakbo ang kaniyang anak na si Davao City Mayor Inday Sara sa pagkapangulo para sa 2022 presidential elections.

Punto ng butihing pastor na dahil malapit si Sen. Go kay Pang. Duterte ay ito ang makakapagpatuloy ng magandang sinimulan ng Pangulo sa bansa.

Lalo pa aniya kung ang magiging bise presidente nito ay aniya ay si Pang. Duterte.

Matatandaan naman na ilang beses na nagbiro si Pang. Duterte sa kaniyang mga nakaraang public address na gustong tumakbo ni Sen.Go sa pagkapangulo.

Ani Pastor Apollo, “Ang naiisip kong qualified na maging presidente nung wala pang indication na talagang tatakbo si Mayor Inday is ‘yung talagang makapagpapatuloy ng programa ng ating Pangulong naumpisahan at alam niya ang kalakaran noong mga proyekto na ginagawa ng ating mahal na Pangulong [Rodrigo] Duterte, at ‘yung malapit sa puso rin ng pangulo na pwede niyang mapagkatiwalaan na talagang hindi magtataksil sa bayan at sa kanyang mga adhikain. Walang iba sa isip ko kundi ang malapit sa kanya, si Senator Christopher “Bong” Go.”

Pero ngayon aniya na may pahiwatig na tatakbo ang first daughter sa pagkapangulo ay siya na aniya ang pinakakwalipikado para sa naturang posisyon

“Pero ngayong may indication na tatakbo ang ating Mayora Inday, ‘yun na ‘yung magiging katuparan ng mga adhikain din natin kasi mag-ama iyan.”

Kamakailan ay ibinunyag ni Rep. Joey Salceda ang kanilang palitan ng text ni Inday Sarah hinggil sa tiyak na pagtakbo ng huli sa pagkapangulo.

More in National News

Latest News

To Top