Connect with us

Sen. Bato Dela Rosa, handang sumugal sa 2022 elections

Inilahad ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na may blessing o basbas mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang paghain ng kandidatura

National News

Sen. Bato Dela Rosa, handang sumugal sa 2022 elections

Inilahad ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na may blessing o basbas mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang paghain ng kandidatura para sa pagkapangulo sa 2022 elections.

Si Pangulong Duterte ang party chairman ng PDP-Laban habang miyembro naman ng partido si Dela Rosa.

Pero nilinaw ng senador na ang kaniyang pagtakbo ay desisyon ng kanilang partido at hindi ito kasama sa kaniyang plano.

Gayunman, tiniyak ni Dela Rosa na handa siyang sumugal para sa kapakanan ng bansa.

Aniya, sakaling mananalo sa 2022 ay ipagpapatuloy nito ang legasiya ni Pang. Duterte.

Samantala, tiniyak ni Sen. Bong Go na pabor ito kay Sen. Ronald Bato Dela Rosa bilang ang kaniyang magiging running mate sa 2022.

Aniya, ang Bato-Go tandem ay desisyon ng partido para matiyak na magkakaroon ng continuity sa mga nasimulan ng Duterte admin.

Naniniwala din aniya si Go na kwalipikado si Sen. Bato para sa pinakamataas na posisyon ng pamahalaan.

 

More in National News

Latest News

To Top