Luzon-wide Enhanced Community Quarantine, pinalawig hanggang Abril 30

Seguridad sa Cebu City mas hihigpitan pa ng pulisya

Regional

Tuloy-tuloy ang pagpapatupad ng mas mahigpit na seguridad sa Cebu City sa gitna ng pagtaas ng bilang ng tinatamaan ng COVID-19.

Dahil dito, Naglagay pa ng mas maraming checkpoint ang pulisya sa Cebu kasabay ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sinabi ni Cebu City Police Officer-in-charge Police Colonel Cydric Tamayo na nagdagdag sila ng pulis sa Police Regional Office 6 at 8 ay kulang pa rin ito.

Ayon kay Tamayo, kailangan pa nila ng karagdagang pulis upang mabantayan ang seguridad sa Cebu City o sa bawat kanto ng lungsod sa loob ng 24 oras.

Tiniyak naman ni Interior Secretary Eduardo Año ang pagdedeploy ng mga pulis at sundalo sa Cebu City.

Samantala, nasawi kaninang umaga ang isang 45 taong gulang na pulis mula Cebu City dahil sa COVID-19.

Apat sa siyam na kabuuang nasawing pulis ay mula sa Central Visayas.

Umaabot na sa 518 ang kabuuang bilang ng mga pulis na nagpositibo sa COVID-19.

Nagpaabot na ng pakikiramay si PNP chief Police General Archie Francisco Gamboa sa pamilya ng pulis na nasawi.