Connect with us

Seguridad ng mga election officer, tiniyak ng PNP

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang pagbibigay ng proteksyon sa election officers at iba pang empleyado ng Commission on Elections (COMELEC).

National News

Ito ay matapos masugatan ang election officer ng Maluso, Basilan na si Aknam Hasim sa pananambang sa Barangay San Rafael, Isabela City.

Base sa inisyal na imbestigasyon, kasama ni Hasim ang kanyang asawa nang biglang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin.

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, inatasan na niya si PRO 9 Regional Director Police Brigadier General Genaro Ylagan na magsagawa ng malalimang imbestigasyon upang mapanagot ang nasa likod ng krimen.

Kasabay nito, makikipag-ugnayan ang PNP sa Comelec upang makatulong sa seguridad ng kanilang mga opisyal lalo na sa mga lugar na may kasaysayan ng election-related violence.

More in National News

Latest News

To Top