Second wave COVID-19 posible

Second wave ng COVID -19, posibleng mangyari kung ‘di susunod ang publiko sa ‘new normal’

National News

Nagbabala ang pamahalaan sa publiko sa posibleng second wave ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay kung hindi susunod ang mga ito sa mga polisiya at ‘new normal’ sakaling tuluyan nang alisin ang lockdown.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, hindi nila nais matulad ang Pilipinas sa ibang bansa na nagkaroon ng mga panibagong kaso ng COVID-19 matapos ang lockdown.

Dagdag pa rito, binigyang diin ni Año na mahalagang mapanatili ang ‘new normal’ sa panahon ng community quarantine.

Ilan na dito ang social distancing, palagiang paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng face mask.

Dahil sa ‘new normal’  nakasalalay kung magkakaroon pa ng second wave ng virus o hindi.

Inihalimbawa nito ang bansang Singapore kung saan biglang tumaas ang bilang ng kaso ng COVID-19 matapos na alisin ang lockdown.