second wave COVID-19 DOH

Second wave ng COVID-19 outbreak, nararanasan na ng bansa – DOH

National News

Inihayag ni DOH Secretary Francisco Duque III sa pagdinig ng Senado ngayong hapon na nararasanan na ng Pilipinas ang second wave ng COVID-19 pandemic.

“Actually, nasa second wave tayo,” pahayag ni Duque kaugnay sa sitwasyon ng bansa sa COVID-19 pandemic crisis.

“Yung first wave natin nag-umpisa, happened some time in January; noong nagkaroon tayo ng 3 Chinese nationals from Wuhan,” paliwanag ng kalihim.

Samantala, hindi naman nilinaw ng Health secretary kung kailan ang umpisa ang second wave ; kung anong naging batayan ng naturang pangalawang pagbugso ng pandemya.

Sa huling tala ng DOH, mayroon nang 12,942 COVID-19 kumpirmadong kaso. Sa talang ito, 837 na ang nasawi habang 2,843 naman ang gumaling.