second tranche SAP Duterte

Second tranche ng SAP para sa mga nasa GCQ, pinapopondohan pa ni Pang. Duterte

National News

Pinapapondohan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Ito ang iniutos ng Pangulo sa Department of Budget and Managemen (DBM) kaugnay sa pangalawang bugso ayuda.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nais ng Pangulo na mas marami ang makatatanggap sa ikalawang bugso ng SAP.

Sinabi pa ni Roque na kailangan munang maghanap ng karagdagang pondo bago magpalabas ng desisyon kung bibigyan din ng ayuda ang mga nasa general community quarantine (GCQ).

Pinapasisilip din aniya ng Pangulo ang budget sa ibang Kagawaran kung maaaring mare-align para sa second tranche ng SAP.