Connect with us

Sec. Roque: Si Pang. Duterte lamang ang makakasibak saakin sa posisyon

Iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang makapagsisibak sa kanya sa katungkulan.

National News

Sec. Roque: Si Pang. Duterte lamang ang makakasibak saakin sa posisyon

Iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang makapagsisibak sa kanya sa katungkulan.

Ito ang naging pahayag ni Roque sa isang pulong balitaan matapos ang panawagang alisin na ito sa posisyon sa Palasyo.

Una rito, may nag-leak na video mula sa ginanap na isang pagpupulong ng Inter Agency Task Force kung saan hindi sinang-ayunan ni Roque ang iginigiit ni Dr. Maricar Limpin, presidente ng Philippine College of Physicians at ni Dr. Antonio Dans, convenor ng Healthcare Professional Alliance Against Covid-19, na magpatupad muli ng hard lockdown sa National Capital Region (NCR).

At dahil sa naging emosyunal na ito, ani Roque kaya napagalitan niya ang nabanggit na medical doctors na talagang humihirit ng hard lockdown sa NCR.

Isinantabi rin ni Roque ang panawagan ng grupo ng health workers na magresign na rin si Health Secretary Francisco Duque III dahil sa pagka antala umano ng benepisyo ng mga ito.

Giit ng tagapagsalita ng Palasyo, tanging si Pangulong Duterte lang din ang makapag desisyon kung sisibakin sila sa pwesto.

Nauna na ring humingi ng paumanhin si Secretary Roque kung may na-offend man aniya ito sa kanyang pananalita sa ginanap na IATF meeting.

Sa naturang pagpupulong, sinabi ni Roque na mahalaga na balansehin ang pagbawas ng numero ng kaso ng COVID-19 at ang pagbibigay ng pagkakataon na makapaghanap-buhay ang taong bayan.

Ito ay kasunod na rin ng napakalaking impact ng napakahigpit na restriksyon sa ekonomiya ng bansa kung saan kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon ay baka sa kabilang banda ay marami naman ang mamatay dahil sa gutom.

Kaugnay nito, inihayag ng pamahalaan na nagkaroon na nga ng ilang pagbabago sa mga istratehiya ang pamahalaan sa pagtugon sa pandemya.

Kasama na rito ang pagpapatupad ng granular lockdown o General Community Quarantine with alert elevel system.

Pero pagdating sa implementasyon nito, sinabi ni Roque na mas maiging hintayin na lang muna ang pinal na desisyon ng IATF patungkol dito.

“Nagpupulong as we speak ang IATF tungkol po dito. So siguro antayin na lang po natin ang pinal na desisyon. At kung mayroon naman pong desisyon ay ilalabas natin kaagaran.”

Patuloy aniya na kinokonsulta ng IATF ang Metro Manila Mayors sa pulot implementarion ng granular lockdown sa NCR.

“Pero as usual, kinukonsulta po talaga ang mga alkalde ng Metro Manila dahil sila naman po ang magpapatupad nitong pilot na ito at iyong magiging desisyon ay base na rin po sa kagustuhan ng ating mga local government units,”saad ni Roque.

More in National News

Latest News

To Top