Connect with us

Sec. Panelo, nakiusap sa board of pardons and parole para pag-aralan ang exectuive clemency ni dating Calauan Mayor Sanchez

2018 ambush

National News

Sec. Panelo, nakiusap sa board of pardons and parole para pag-aralan ang exectuive clemency ni dating Calauan Mayor Sanchez

SUMULAT si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa board of pardons and parole na pag-aralan ang pagbibigay ng executive clemency na inihain ng anak ni Sanchez na si Marie Antonelvie Sanchez noong Pebrero 8, 2019.

Ito ang lumabas sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng senado patungkol sa GCTA at nakatakda sanang paglaya ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Magugunita na si Panelo ay dating legal councel ni Sanchez.

Sa isang letter para kay Executive Director ng board of parole and pardon executive Director Reynaldo Bayang, nakiusap si panelo na i-update ito kung ano ang maaaring gawin sa hinihinging clemency ng pamilya.

Inamin din ni bayang na sumulat din sa kaniyang opisina sina Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos, former Laguna Gov. ER Ejercito, at former Supreme Court Associate Justice Arturo Brion para sa executive clemency kay Sanchez.

Una namang inamin ng pamilya na lumapit sila sa mga malalaking tao sa gobyerno para tulungan sila sa naturang executive clemency.

More in National News

Latest News

To Top