Connect with us

Sec. Panelo kay Vp Robredo: “Huwag mo’ng palabasin na ikaw lang ang nagtatrabaho”

Nagpasaring si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo laban sa kampo ni Vice President Leni Robredo kaugnay ng pagtugon sa mga biktima ng pananalasa ng mga nagdaang bagyo.

National News

Sec. Panelo kay Vp Robredo: “Huwag mo’ng palabasin na ikaw lang ang nagtatrabaho”

Nagpasaring si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo laban sa kampo ni Vice President Leni Robredo kaugnay ng pagtugon sa mga biktima ng pananalasa ng mga nagdaang bagyo.

Sa kanyang counterpoint program, muling ipinunto ni Panelo na ayaw niya sa mga statement na parang pinapakita ng kampo ni VP Leni na ito lang ang nagtatrabaho at tila walang ginagawa si Pangulong Rodrigo Duterte sa kasagsagan ng kalamidad.

Ito’y dahil sa katunayan, palagi aniyang nakatutok si Pangulong Rodrigo Duterte sa kapakanan ng mga Pilipino lalo na sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Sa kabilang banda, humingi pa rin ng paumanhin si Secretary Panelo kay VP Robredo dahil sa maling impormasyong napa-abot kay Pangulong  Duterte.

Ito ay matapos sabihin ng kalihim na sumakay ang bise presidente sa isang government-owned C-130 nang magpunta sya sa Bicol region para magbigay ng relief sa mga apektado ng nagdaang mga bagyo.

Naberipika ni Panelo kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na base sa kanilang verification sa Philippine Air force, hindi sumakay ng C130 flight si VP Leni.

Aniya, tanging mga relief good mula sa kanya ang dinala sa Catanduanes.

“Noong nalaman ko na hindi siya sumakay sa eroplano ay karaka-raka humingi tayo ng paumanhin na mali pala.”

“I personally texted VP Leni ng aking personal apology pero pinadalhan ko siya na log report na ginamit ‘yung chopper para doon sa kanyang relief goods. Hindi ko sinasabing mali.”

Samantala, humingi rin ng paumanhin si Lorenzana patungkol dito.

Sa kabila nito, iginiit ni Panelo na hindi siya nagpapakalat ng maling impormasyon, paliwanag ng kalihim, ang mali lang niya ay nag-react ito base sa impormasyon na kanyang natanggap.

 

More in National News

Latest News

To Top