Connect with us

Sec. Panelo, binatikos ang labor group na pumupuna sa unemployment rate ng bansa

Pinuna ni Chief Presidential Legal Adviser Secretary Salvador Panelo ang mga kritiko na nagsasabing hanggang ngayon marami pa rin ang mga taong walang trabaho.

National News

Sec. Panelo, binatikos ang labor group na pumupuna sa unemployment rate ng bansa

Pinuna ni Chief Presidential Legal Adviser Secretary Salvador Panelo ang mga kritiko na nagsasabing hanggang ngayon marami pa rin ang mga taong walang trabaho.

Giit ni Panelo sa kanyang counterpoint program, tanging hinahanap lang ng mga kritiko ang kung ano ang mapupula sa gobyerno.

Una rito, inihayag ng grupong Nagkaisa Labor Coalition na mababa umano ang employment kumpara sa kaparehong quarter noong 2019 kung saan ang bilang ng manggagawang nagtatrabaho ay mababa sa 2.7 million, at ang kasalukuyang employment level ay mababa rin sa bilang ng mga manggagawang nagtatrabaho sa buwan ng Hulyo ng 1.5 million, ibig sabihin, ay hindi pa talaga anila nakababawi ang ekonomiya ng bansa.

Pero ipinunto ni Panelo na mayroong pagbagsak ng unemployment rate, ibig sabihin marami na aniyang nakabalik sa trabaho.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), Umabot na sa 3.8 million na mga Pinoy ang walang trabaho hanggang noong Oktubre ng kasalukuyang taon.

Katumbas ito ng 8.7 % na mas mataas kumpara sa 4.6 % lamang noong October 2019 na wala pang pandemya.

Gayunman, bahagya namang bumaba ang pinakahuling tala ng unemployment rate kumpara noong July 2020 na 4.6 million at April 2020 na 7.2 million.

Ikinalungkot naman ng Malakanyang ang bilang na nasa 3.8 milyong Filipino pa ang naitalang walang trabaho nitong Oktubre.

Bagama’t bumaba na ang bilang kumpara noong Hulyo, ani Presidential Spokesman Harry Roque, nakalulungkot pa rin ang balita dahil marami pa sa mga Filipino ang walang hanapbuhay.

Samantala, hinikayat naman ni Secretary Panelo ang mga nais makahanap ng trabaho sa gobyerno na bisitahin ang website ng Civil Service Commission (CSC) na www.csc.gov.ph/career para makita kung ano ang maaaring aplayan.

Ibinahagi pa ni Panelo na ang postings na nakapaloob sa nasabing job portal website ay kinabibilangan ng job titles, salary grid, at qualifications ng mga mag-a-aplay.

 

More in National News

Latest News

To Top