Connect with us

Sec. Esperon, tiwala sa diskwalipikasiyon ng Gabriela party-list sa 2022 elections

Tiwala si NTF-ELCAC Vice Chairman Secretary Hermogenes Esperon Jr. na madidiskwalipika ang Gabriela party-list para sa susunod na halalan dahil sa mga kasong isinampa laban ditto.

National News

Sec. Esperon, tiwala sa diskwalipikasiyon ng Gabriela party-list sa 2022 elections

Tiwala si NTF-ELCAC Vice Chairman Secretary Hermogenes Esperon Jr. na madidiskwalipika ang Gabriela party-list para sa susunod na halalan dahil sa mga kasong isinampa laban ditto.

Sa ginanap na Press Conference ng NTF-ELCAC, Sinabi ni Sec. Esperon Jr. na may ebidensiya na sumusuporta para sa diskwalipikasiyon ng Gabriela bago sa Comelec.

“Dapat silang madisqualify dahil talagang tumatanggap sila ng pondo sa abroad. At marami sa miyembro ng Gabriela ang napupunta sa frontlines at nagiging NPA.”

Subalit, ayon kay Esperon, ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa na sumusunod sa proseso, kaya ang party-list ay maaari parin makapaghain ng certificate of candidacy (COC) hanggang sa mapag desisyunan nang COMELEC na madiskwalipika ang Gabriela na tumakbo sa kongreso.

“Yung pagpa-file nila ng candidacy ay karapatan nila iyon, dahil wala pa namang desisyon… In fact, meron pang mga party-list ang nag-aapply sa Comelec ngayon na hindi pa napaprocess.”

Sinabi rin nito na nagawa na ng NTF-ELCAC ang parte nito kaya nasa kamay nang COMELEC ang desisyon kung patatakbuhin pa ang Gabriela na parte ng Makabayan Bloc na nasa mababang kapulungan kasama ang Bayan Muna, Alliance of Concerned Teachers (ACT), Kabataan, Anakpawis.

“Natapos na nating ang ating gawain, ibinigay na natin ang ebidensya. Hintayin natin ang Comelec magdecide. Now kung magfile sila ng candidacy that is perfectly alright with us, habang wala pang desisyon.”

Samantala, ayon kay Undersecretary Lorraine Badoy, NTF-ELCAC spokesperson on Social Media and Sectoral Concern, ‘di nito alintana ang kaniyang mga sinasabi laban sa Gabriela sa maling representasiyon nito.

Dagdag pa ni Badoy, gagawingn ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito para maprotektahan ang mga kabataan sa kasamaan na dulot ng Communist Party of the Philippines – NPA – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

“A lot of our youth have died as NPAs. But before that, they joined Gabriela. I’m sure under the democratic process, they could file their candidacy. But the NTF-ELCAC will make sure that the CPP-NPA-NDF operatives will not go back to Congress because that is where they could harm our most vulnerable sector.”

Para naman kay NSA Deputy Director General Antonio Parlade Jr., kumpirmado na ang Gabriela at Gabriela Youth ay parte ng armadong rebelyon ng CPP-NPA-NDF.

“Ang linaw-linaw ng participation ng Gabriela at Gabriela Youth sa armed rebellion. Ang dami na nating videos. At madami na tayong former rebels na nagsasabi na from Gabriela ay naging NPA sila. At yung iba hindi nga nila alam kung kailan sila nagtransition to NPA from Gabriela. Yung mga nacapture natin ang sinasabi nila ay Gabriela sila, pero they were with the NPAs,” saad ni Parlade.

More in National News

Latest News

To Top