Connect with us

Sec. Esperon, isa-isang pinangalanan ang underground organization ng CPP-NPA

Sec. Esperon, isa-isang pinangalanan ang underground organization ng CPP-NPA

National News

Sec. Esperon, isa-isang pinangalanan ang underground organization ng CPP-NPA

Suportado ng National Security Adviser Secretary Hermogenes C. Esperon Jr. ang pahayag nina Southern Luzon Commander Lt. General Antonio Parlade at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Lorraine Badoy  laban sa mga makakaliwang grupo.

Sa laging handa pubic briefing, sinabi ni Esperon at vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) na hanga siya kina general Parlade at Usec. Badoy sa pagsasabi nila ng totoo.

Iginiit ni Esperon na ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ay isang mapanlinlang at bayolenteng organisasyon na may layong pabagsakin ang demokratikong pamumuhay ng mga Pilipino kaya nararapat lang aniya na wakasan ang grupong ito.

Inihayag ni Esperon na base sa sinasabi ni General Parlade, ang CPP-NPA ay mayroong mga underground organization.

Tulad na lamang aniya ng KAGUMA o ang Kalipunan ng mga Gurong Makabayan, sinabi ni Esperon na underground organization ito at ang lumalabas na organisasyon nito ay ang Alliance of Concerned Teachers (ACT).

Paliwanag ni Esperon, “Mayroong front, legal na front. Halimbawa, ang KAGUMA o iyong Kalipunan ng mga Gurong Makabayan underground organization iyan at ang kaniyang lumalabas na organisasyon ay ang Alliance of Concerned Teachers. Ang sinasabi ko, iyong mga miyembro ng ACT ay hindi mga komunista iyan kung hindi may mga nagku-control sa kanila na miyembro ng underground movement, iyong Kalipunan ng mga Gurong Makabayan. At iyan ay sa mga organo ng National Teacher’s Bureau ng Communist Party of the Philippines.

Maliban dito, mayroon ding underground organization ang CPP-NPA na confederation of migrant and patriotic Filipinos kung saan ang naka-legal na front sa kanila ay ang migrante; habang ang kabataang makabayan na underground organization ang siyang nagkokontrol ng grupong League of Filipino Students (LFS).

Samantala, may ilang myembro naman mula sa grupong Anakbayan, Kabataan Partylist o ang College Editors Guild of The Philippines (CEGP) na tina-target ma-recruit para maging myembro ng CPP-NPA.

“Iyong mga anak ng Anakbayan, Kabataan Partylist or iyong College Editors Guild of the Philippines, na mga legal at magagandang organisasyon ngunit itong mga miyembro nito pinipili nila diyan, mayroon silang tina-target na i-recruit para maging miyembro ng Communist Party of the Philippines.”

Ibinunyag din ng kalihim na ang Makabaka naman o Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan, ang siyang underground organization na nagko-kontrol sa women’s group na Gabriela.

Sa grupong courage naman, sa gobyerno mayroon silang courage na front organization pero ang nagku-control dito ay ang Makabayang Kawaning Pilipino.

Sa mga lawyer, sinabi ni Esperon na nariyan ang lumaban o lupon ng mga manananggol para sa bayan at iyong kanilang prente ay ang ng National Union of People’s Lawyers (NUPL).

“Hindi natin sinasabi na iyong National Union of People’s Lawyers are members of the communist party pero may mga miyembro sa kanila ng nagku-control sa organisasyon na kasapi sa Communist Party of the Philippines.”

“So, ito ang sinasabi ni—alam mo sa LFS, iyong mga kabataan, either mapunta iyan sa Gabriela Youth o kabataan or LFS pagkatapos doon ang recruitment ngayon. Habang tumatagal ay mapupunta na na regular fighter”

Dugtong pa ni Esperon, ” Sila iyong laging nagpupuno maski na ang ating napa-surrender at na-neutralize na mga NPA ay umabot ng 3,000. Mayroon pa ring mga dumadating na mga bagong recruit.

Ang mga binanggit ni Esperon, ito aniya ang sinasabi ni General Parlade na ang mga front organization kasama na rito ang Bayan o ang Makabayan Bloc, na ang kanilang trabaho talaga ay upang mapalakas ang iba pang underground organization sa kanilang pagri-recruit ng mga kasapi.

Matatandaang matapang na inilantad ni Undersecretary Lorraine Badoy ang tunay na kulay ng Makabayan Bloc kung saan kaharap sa budget hearing sina Representatives France Castro at Carlos Zarate na inakusahan at tinawag sa kanyang fb post na high-ranking official ng CPP-NPA na naghahasik ng gulo sa bayan.

 

 

More in National News

Latest News

To Top