Connect with us

Sec. Duque, pabor na ilipat ang Chairmanship ng PhilHealth

Pabor si Department of Health(DOH) Sec. Francisco Duque III na ilipat ang chairmanship ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Department of Finance(DOF).

National News

Sec. Duque, pabor na ilipat ang Chairmanship ng PhilHealth

Pabor si Department of Health(DOH) Sec. Francisco Duque III na ilipat ang chairmanship ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Department of Finance(DOF).

Ayon kay Duque, ang pagkakatalaga sa kaniya bilang chairman ng IATF ay 4 na buwan na siyang hindi nakakapag dalo ng board meeting sa PhilHealth dahil masyado na siyang abala sa mga pagpupulong kasama ang buong COVID-19 Response Team.

Inaprubahan narin ng Senate Committee on Health and Demography ang  Senate Bill no. 1829 na inihain ni Senate President Tito Sotto III na kung saan papalitan ng finance secretary ang posisyon ng health sec. bilang chairman ng board ng nasabing ahensya.

Sa ilalim din ng panukala ay obligado ang kalihim ng Finance na daluhan ang board meetings, ibig sabihin ay hindi maaring ang alternate o representative nito ang hahalili sa mga gagawing pagpupulong sa ahensiya.

Matatandaan na inihain ni Sotto ang nasabing panukala matapos isa si Health Sec. Francisco Duque III sa mga idiniin ng Senado sa mga irregularidad at isyu ng kurapsyon sa PhilHealth.

Sa opening speech ng mismong Chairman ng Komite na si Sen. Christoper  Bong Go ay sinabi nitong dahil sa mga alegasyon ng kurapsyon sa ahensya ay napapanahon na para hawakan mismo ng finance sec. ang ahensya lalo pa’t isa namang insurance company ang Philhealth.

Kaugnay nito, sinabi naman si Sec. Finance Sonny Domiguez na magdedemand ng kaniyang panahon ang  proposed ammmendment pero sakabila nito ay tinatanggap ng kalihim ang trabaho at nangakong pagbubutiham nito ang kaniyang bagong tungkulin.

Ayon kay Dominguez, ang unang dapat gawin sa PhilHealth ay tanggalin ang leakages sa Philhealth Fund.

“Obviously we need to pour more money in but before you pour more money into the bucket, you have to make sure that all the holes [are plugged] ,” pahayag ni Dominguez.

Nakahanda rin aniya siyang tutukan ang pagkakaroon ng pagbabago sa IT Information System ng ahensya na siyang pinakaimportante sa Institusyon.

Nagpahayag naman ng reservation si Civil Service Commissioner Aileen Lizada sa ammendment na pagbabawalan ang pagattend lamang ng alternative o represenative ng  PhilHealth Board Chair sa meeting.

Pero aniya dahil narinig naman nito ang posisyon ng Finance Sec ay inihahabilin na lamang nito sa mga mambabatas ang pagpasa ng naturang ammendment.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top