Connect with us

Satellite vaccination center ng Bureau of Quarantine sa MOA, binuksan na

Binuksan na ngayong araw, ika-15 ng Hulyo, ang satellite vaccination center ng Bureau of Quarantine sa SM Mall of Asia.

Health

Satellite vaccination center ng Bureau of Quarantine sa MOA, binuksan na

Binuksan na ngayong araw, ika-15 ng Hulyo, ang satellite vaccination center ng Bureau of Quarantine sa SM Mall of Asia.

Ayon sa BOQ, layon nito na patuloy na magbigay ng accessible services sa publiko.

Sinabi ng quarantine bureau na ang hakbang ay may kaugnayan sa pangako ng ahensya na ipatupad ang R.A. 11032 o ang “ease of doing business and efficient government service delivery act of 2018”.

Bukod dito, matutulungan din anila ang bureau na ipatupad ang IATF guidelines sa minimum public health standards gaya ng physical distancing upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Kasabay nito sabay sabay ding pasisinayaan ang bagong International Certificate of Vaccination and prophylaxis (ICV) para sa mga papaalis na pasahero at BOQ One Health Pass

Ang BOQ one health Password ay isang single platform para sa lahat ng arriving international passengers kung saan i-automate nito ang Health Declaration Checklist at i-streamline ang proseso ng lahat ng mga ahensya sa pamamahala ng mga returning Filipinos.

Continue Reading
You may also like...

More in Health

Latest News

To Top