Connect with us

Sarah, Regine Velasquez, Moira at Daniel Padilla, panalo sa 12th PMPC Star Awards For Music

Big winners sa 12th edition ng PMPC Star Awards for Music ang mga singer na sina Regine Velasquez-Alcasid, Sarah Geronimo, Moira Dela Torre, at Daniel Padilla.

Showbiz

Itinanghal na Female Recording Artist of the Year si Regine para sa kanyang awiting ‘I Am Beautiful’ at panalo rin bilang Female Concert Performer of the Year sa kanyang ‘Iconic’ concert.

Wagi rin si Sara Geronimo bilang Female Pop Artist of the Year sa kanyang Kantang ‘Ang Tangi Kong Pangarap’ habang itinanghal naman na Album of the Year ang “Himig Handog 2019.”

Panalo rin si Daniel Padilla bilang Male Recording Artist of the Year para sa kantang ‘Mabagal’.

Ang ‘Mabagal’ nina Moira Dela Torre at Daniel ang nanalo rin bilang Song of the Year habang ang “Perfect Ten“ naman ni Lea Salonga ang nanalong Concert of the Year.

Kabilang rin sa pinarangalan bilang recipient ng Pilita Corales Lifetime Achievement Award si Kuh Ledesma habang natanggap naman ni Louie Ocampo ang Levi Celerio Lifetime Achievement Award.

Continue Reading
You may also like...

More in Showbiz

Latest News

To Top