Connect with us

Sara Duterte, tatapusin muna ang termino sa pagiging alkalde bago sasabak sa pagkapangulo

Nangunguna pa rin si Davao City Mayor Sara Duterte sa mga posibleng presidential candidates na iboboto ng mga Pilipino sa 2022 election.

National News

Sara Duterte, tatapusin muna ang termino sa pagiging alkalde bago sasabak sa pagkapangulo

Inihayag ni Mayor Sara Duterte sa kanyang social media post na hindi muna ito sasabak sa ibang posisyon.

Sa kayang post, sinabi nito na tatapusin niya ang kanyang huling termino sa pagiging alkalde sa Davao City.

“Gusto ko po sana tapusin muna ang huli kong termino sa Mayor bago ako manungkulan sa ibang position.”

Inamin din nito na masakit para sa kanya ang naging desisyon nito na hindi maibigay ang kagustuhan ng nakararami.

“Masakit din para sa aking damdamin na sana’y magpaubaya sa mga kaibigan na hindi ko maibigay ang gusto ninyo.”

Gayunpaman, sinabi ni Mayor Sara na kahit hindi siya tatakbo bilang pangulo ng Pilipinas, maari parin aniya tayong  magtulungan para sa kapakanan ng bayan.

“Madami sa inyo ang nasasaktan, sumama ang loob at nawalan ng pag-asa pero puwede pa rin tayo magtulungan para sa ating bayan, di kailangan ng position, di kailangan ng tayo ay Pangulo upang makatulong. Gawin natin ang pagtulong sa kapwa sa araw-araw natin na pamumuhay.”

Mababatid na marami na ngayon ang nanawagan kay Mayor Sara upang tumakbong pangulo sa bansa upang maipagpatuloy nito ang nasimulan ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

More in National News

Latest News

To Top