Connect with us

Sara Duterte supporters, nagsagawa ng blood letting activity sa Maynila

Boluntaryong nagbigay ng kanilang dugo ang mahigit sa 50 indibidwal mula sa Brgy. 234 Tondo Maynila at iba pang pribadong grupo sa pangunguna ng 'Dugong Alay, Dugtong Buhay Incorporated' at sa pakikipag-ugnayan ng Inday Cares Movement.

National News

Sara Duterte supporters, nagsagawa ng blood letting activity sa Maynila

Boluntaryong nagbigay ng kanilang dugo ang mahigit sa 50 indibidwal mula sa Brgy. 234 Tondo Maynila at iba pang pribadong grupo sa pangunguna ng ‘Dugong Alay, Dugtong Buhay Incorporated’ at sa pakikipag-ugnayan ng Inday Cares Movement.

No description available.

Ayon kay Daniel Nobleza, founder ng Inday Cares Movement, ang programa ay kasunod pa rin sa panawagan ng kanilang grupo upang himukin si Davao City Mayor Inday Sara Duterte  na tumakbo bilang susunod na pangulo ng bansa ngayong darating na 2022 presidential elections.

Para sa ilang boluntaryo, masaya sila na makakatulong sila sa mga mangangailangan ng dugo.

No description available.

Sinabi ng kapitan ng Brgy., bilang miyembro ng nasabing organisasyon, matagal na nilang naging adbokasiya ang pangangalap ng dugo mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa at deretso itong ipinagkakaloob sa mga ospital sa bansa, isa na rito ang Tondo Medical Center.

Ayon sa kinatawan ng Inday Cares Movement, asahan ang mas malawak na pagbisita ng kanilang grupo sa iba’t ibang panig ng bansa para mangalap ng suporta para kay Mayor Inday Sara.

No description available.

Samantala, nauna nang isinapubliko ng grupo ang kanilang intension para kay Mayor Inday nitong nakaraang linggo nang magtungo ito sa harap ng gusali ng COMELEC.

More in National News

Latest News

To Top