Connect with us

Sara Duterte, nanguna parin sa presidential bet sa Pulse Asia Survey

Nanguna si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng presidential at vice presidential candidates sa 2022 election

National News

Sara Duterte, nanguna parin sa presidential bet sa Pulse Asia Survey

Nanguna si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng presidential at vice presidential candidates sa 2022 election batay sa pinakahuling Pulse Asia Survey.

Ayon sa Pulse Asia, ang presidential daughter ang mas preferred candidate para sa pagkapangulo na may 28%.

Sinundan ito ni Manila Mayor Isko Moreno na may 14%, dating Senador Ferdinand Marcos Jr. na may 13%, at Senador Grace Poe na may 10%.

Nakakuha naman si Senador Manny Pacquiao ng 8% habang si Vice President Leni Robredo ay nakakuha ng 6% at si Senador Panfilo Lacson ay 4%.

Para sa posibleng vice presidential elections, ang kasalukuyang chief executive ang nanguna sa listahan kung saan 18% ng mga Filipino ang nagsabing nais nilang bomoto kay Pang. Duterte.

Sumunod naman kay Pang. Duterte si Moreno na may 14%, Senate President Vicente Sotto III na may 10%, Marcos na may 10%, Pacquiao na may 9%, Taguig City-Pateros representative Allan Cayetano na nakakuha ng 8%, at Sorsogon Governor Francis Escudero na nakatanggap ng 7%.

Isinagawa ang national survey mula Hunyo 7 hanggang 16 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 2,400 adult Filipinos.

Samantala, sinabi ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) na hindi tatakbo sa pangkapangulo si Mayor Sara Duterte kung kakandidato ang kanyang ama.

Sinabi ni HNP Secretary General Anthony Del Rosario na posibleng tatakbo na lamang ito sa pagka-alkalde sa lungsod ng Davao.

Nauna namang sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People Address noong ika-12 ng Hulyo na pang takot lamang sa kritiko ang kanyang pagtakbo sa 2022 election.

 

More in National News

Latest News

To Top