Connect with us

Sara Duterte, muling tatakbo sa pagiging alkalde sa 2022

Sara Duterte, muling tatakbo sa pagiging alkalde sa 2022

National News

Sara Duterte, muling tatakbo sa pagiging alkalde sa 2022

Kinumpirma ng kampo ni Mayor Sara Duterte-Carpio na hangad nitong tumakbo ulit bilang mayor ng Davao City sa 2022 national and local elections.

Ito’y kahit matindi ngayon ang citizens movement sa buong bansa para himukin siyang tumakbo sa pagka-pangulo ng bansa sa susunod na taon.

Ayon kay Lilioan Cebu Mayor Christina Garcia-Frasco, ang tapagpagsalita ni Mayor Sara na tatakbo ‘for reelection’ ang presidential daughter.

“Yes, this is confirmed. According to Mayor Sara, she will run for reelection as Davao City Mayor,” ani Frasco.

Bukod kay Mayor Sara, tatakbo ulit bilang Vice Mayor ng Davao ang kapatid nitong si Sebastian “Baste” Duterte.

Nauna nang nagpasalamat si Mayor Sara sa kanyang supporters sa tiwala at suporta ngunit nanawagan ito na suportahan ang kandidatura ng ama nilang si Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo sa Vice Presidential race sa paparating na eleksyon.

More in National News

Latest News

To Top