COVID ROSE

Sanggol na ipinangalan sa COVID-19, viral sa social media

National News

Viral ngayon sa social media ang isang larawan na nagpapakita sa isang birth certificate.

Mababasa kasi rito na ipinangalan sa kinatatakutan na COVID-19 ang isang sanggol .

Sa twitter post ng isang netizen sa Twitter, pinangalanan ang isang sanggol na ‘COVID ROSE’.

Mababasa sa naturang umano’y birth certificate ang Isulan, Sultan Kudarat, ang lugar ng kapanganakan ni ‘COVID ROSE’.

Hindi naman nakalagay ang apilyedo ni ‘COVID ROSE’ at kung kailan ito ipinanganak.

Inaalam na ang authenticity ng naturang larawan.

Matatandaan na inilagay sa Enhanced Community Quarantine ang buong Luzon dahil sa COVID-19 outbreak.

Isinailalim na rin ang buong bansa sa State of Calamity dahil pa rin sa naturang nakakamatay na virus.

Sa huling tala ng Department of Health, nasa 217 na ang bilang ng mga nadapuan ng COVID-19 kung saan nasa 17 ang nasawi.