San Vicente, Angadanan, isasailalim sa lockdown

Regional

Isasailalim sa lockdown ang Barangay San Vicente, sa bayan ng Angadanan,Isabela.

Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang umuwing pasyente sa naturang bayan.

Ayon kay Angadanan Mayor Panganiban nalaman nila sa kanilang municipal health officer na si Dr. Belinda Bispo ang travel history ng pasyente kaya nagdesisyon sila na isailalim sa lockdown ang barangay  upang mapadali ang contact tracing sa mga nakasalamuha nito.

Aniya, nagsimula na ang contact tracing at tatagal ang lockdown hanggang hindi ito natatapos.

Sa ngayon, tinututukan ng Philippine National Police (PNP) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang mga check point sa entry at exit point ng barangay upang walang makapuslit palabas at papasok.