Connect with us

San Miguel, nagawang makapag comeback win laban sa Meralco

Nagawang makapag comeback win ng defending champion na San Miguel Beer matapos nitong talunin ang Meralco sa PBA Philippine Cup na nagtapos sa iskor na 89-82.

Sports

Nagawang makabangon ng Beermen matapos matambakan ng hanggang 13 point sa third quarter ng laro dahil sa limang three-pointers at dalawang succession nila Alex Cabagnot at Chris Ross sa huling tatlong minuto ng laro.

Dahil sa triple ni Ross sa huling 19.9 segundo ng laban ay naiuwi ng San Miguel ang ika-apat na panalo nito sa kanilang pang-anim na laro.

Pinangunahan ni Tautaa ang San Miguel na nakagawa ng 23 points habang naitala naman si Arwind Santos ang kanyangika-limang double-double performance sa anim na laro na may 17 points at 11 rebounds.

Samantala, mayroon ng 3-3 record ang Meralco matapos ang back-to-back wins nito.

More in Sports

Latest News

To Top