Connect with us

San Jose, Occidental Mindoro, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng magkakasunod na malakas na pagyanig ngayong araw.

National News

San Jose, Occidental Mindoro, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng magkakasunod na malakas na lindol ngayong araw.

Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang bayan ng San Jose Sa Occidental Mindoro kaninang 7:49  ng umaga .

Ito ay may lalim na 14 na kilometro at tectonic in origin.

Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang sira sa mga gusali at aftershocks.

Naramdaman ang Instrumental intensities, Intensity III  sa mga lugar ng San Jose, Occidental Mindoro at Roxas City; at  Intensity 1 sa San Jose de Buenavista, Sebaste, Antique.

Samantala, nauna namang niyanig  ng magnitude  5.1 na lindol kaninang 6 ng umaga ang Tinaga Island sa Camarines Norte.

Ito ay may lalim ng isang kilometro at tectonic in origin.

Ayon sa ahensya, walang inaasahang maitatalang pagkasira sa mga imprastraktura ngunit maaring makaranas ng aftershoks ang lugar.

Sa kabila nito magsasagawa pa rin ng assesment ang lokal na pamahalaan kung may nasirang gusali ayon kay Camarines Norte Mayor Jose Panganiban.

Samantala, intensity IV ang naramdaman ng mga residente sa Capalonga, Camarines Norte habang intensity II naman ang naranasan sa Goa, Naga City, Camarines Sur at Calauag, Quezon Province.

Intensity 1 naman ang naramdaman sa Cainta, Rizal.

Samantala instrumental intensities naman ang naramdaman sa mga sumusunod na lugar.

Intensity IV sa Jose Panganiban, Camarines Norte,Intensity III sa Guinayangan, Quezon, Intensity II sa Gumaca, Mauban at Lopez, Quezon at Intensity I naman sa Marikina City, Pasig City, Metro Manila at San Rafael, Bulacan.

More in National News

Latest News

To Top