Connect with us

Sabio: ‘Ginamit lang ako para sirain si Pang. Duterte’

Humarap na sa media si Atty. Jude Sabio, ang kontrobersyal na abogado na nagsampa noong 2017 ng kasong crimes against humanity kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.

National News

Sabio: ‘Ginamit lang ako para sirain si Pang. Duterte’

Humarap na sa media si Atty. Jude Sabio, ang kontrobersyal na abogado na nagsampa noong 2017 ng kasong crimes against humanity kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.

Ayon kay Sabio, siya mismo ang nagsulat ng reklamo laban kay Pangulong Duterte sa paniniwala noon na may paglabag sa kaparatang pantao sa ilalim ng administrasyon dahil sa Oplan Tokhang ng Philippine National Police.

Ani Sabio, sinubukan siyang kunin ni dating Senador Trillanes para maging legal counsel ni Peter Jomel Advincula alyas “Bikoy” ng viral videos na noon na “Ang Totoong Narcolist” subalit hindi ito pumayag sa alok ni Trillanes.

Giit pa nito, tinanggihan niya si Trillanes dahil nainsulto ito nang matanong ng dating senador kung updated paba ang lisensya nito bilang abogado.

Nasira din aniya ang tiwala ni Sabio kay Trillanes nang banggitin nito noon sa isang privilege speech sa senado na hindi dumaan sa vetting si Bikoy na nangangahulugan na hindi verified ang mga sinabo nito sa “Ang Totoong Narcolist.”

Dahil diyan, binigyang-diin ni Sabio na ginamit lamang siya ng grupo ni Trillanes para siraan ang administrasyon gamit si Bikoy at ang video nito.

Naniniwala naman si Sabio na inosente si Pangulong Duterte sa ang totoong narcolist videos.

More in National News

Latest News

To Top