RTVM, pansamantalang isasara simula bukas hanggang Agosto 11

National News

Pansamantalang isasara ng Presidential Broadcast Staff-RTVM (PBS-RTVM) ang opisina nito sa Maynila simula bukas, Hulyo 28, 2020 hanggang Agosto 11, 2020.

Ito ay upang bigyang daan ang decontamination and sanitation, pagpapatuloy ng contact tracing activities, at pagsasagawa ng confirmatory tests upang makontrol ang COVID-19 virus.

Sa panahong ito, piling mga manggagawa lamang ang papayagan sa mga presidential coverage habang ang mga suporta naman para sa mga non-presidential coverage ay gagawin remotely o virtually.

Ang ibang empleyado naman na naging primary contacts ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay isasailalim sa swab testing at mandatory self-quarantine.

Habang ang lahat naman ng empleyado ng ahensya ay sasailalim sa work-from-home arrangement.

Muling magbabalik sa normal na operasyon ang RTVM sa August 12, 2020.