Connect with us

Roque, humingi na ng paumanhin matapos pagalitan ang ilang doktor

Humingi na ng paumanhin si Roque matapos kumalat ang isang video kung saan kita siyang galit habang naglalabas ng saloobin laban sa mga doktor.

National News

Roque, humingi na ng paumanhin matapos pagalitan ang ilang doktor

Humingi na ng paumanhin si Presidential Spokesman Harry Roque matapos kumalat ang isang video kung saan kita siyang galit habang naglalabas ng saloobin laban sa mga doktor.

Sa kumalat na video sa zoom meeting ng IATF, makikita na nagtaas ng boses si Roque sa ilang doktor na humihimok sa gobyerno na irekonsidera ang desisyon na luwagan ang quarantine restrictions sa Metro Manila dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases.

Sa press briefing, inamin ni Roque na naging emosyonal lamang siya sa naging rekomendasyon ng dalawang doktor na magpatupad ng hard lockdown.

Pero ayon kay Roque, nais lamang niyang bigyan ng boses ang mga naghihirap at nagugutom bunsod ng hard lockdown.

Pahayag nito, “May kumalat po na bidyo tungkol sa aming meeting sa IATF. Unang una po classified as secret ang mga pagpupulong ng IATF bakit po? kasi lahat ng desisyon gn IATF makakaapekto sa lahat ng Pilipino ke mayaman, ke mahirap. Kinakailangan talaga magkaroon ng debate dahil kung wala po talagang debate eh baka mamaya hindi makagawa ng tamang desisyon ang IATF. ganunpaman, lumabas na po yan.”

“Unang una po, kinukimpirma ko po na tayo po’y naging emosyunal at pasensiya naman po kayo at tao lamang doon sa rekomendasyon ng dalawang doktor, si Dr. Limpin at Dr. Dans, na mag-impose ng hard ECQ lockdown. At naging emosyunal din po si Dr. Limpin at napaiyak, du’n po ako naging emosyunal, kasi para namang importante din po na maririning y’ung damdamin nu’ng mga maliliit na tao nating kababayan na nagugutom na po dahil sa parating pag lockdown. Hindi po tamad ang mga Pilipino hindi sila umaasa sa ayuda handa sila mag trabaho, bigyan lang natin sila ng pagkakataon magtrabaho. Alam po natin na maraming namamatay at mamamatay sa COVID pero nand’yan ang realidad na sa Metro manila halos kalahati na rin po ang ating nabakunahan, bakit po tayo mag ha-hard lockdown naman samantala kaya natin pinabilis ang proseso ng pagbakuna para makapagbukas tayo ng ekonomiya, magkaroon ng mas maraming tarbaho ang ating mga kababayan.”

Sa kabila naman ng pag-sorry ni Roque, sinabi ni Philippine College of Physicians president Dr. Maricar Limpin na dapat ng tanggalin na ni Pres. Rodrigo Duterte si Roque bilang kaniyang spokesperson.

Kabilang si Limpin sa mga doktor na kasama sa naturang pulong at humihimok sa pamahalaan na huwag luwagan ang quarantine classification.

More in National News

Latest News

To Top