Ronnie Liang, nakatanggap ng parangal mula sa Philippine Army

Showbiz

Nakatanggap ng dalawang parangal mula sa Philippine Army si singer-army reservist Ronnie Liang matapos niyang ma-fulfill lahat ng kanyang duty.

Pinaralangan si Ronnie ni Army Commanding General LT. Gen. Gilbert Gapay at si Armor Pambato Division Commander Major Genreal Robert C. Dauz.

Pahayag ni Ronnie sa kanyang IG account,  “I would like to share these awards Meritorious Achievement Medal (MAM) Disaster Relief & Rehabilitation Operations Ribbon ( DRRO) to all the men & women in uniform who answerd the call of duty in the fight against COVID-19.”

“I would like to thank my Army Family Headed by Army Commanding General LT. General Gilbert Gapay & our Armor Pambato Division Family Headed by MGen. Robert C. Dauz for the recognition and support.”

Matatandaan na isa si Ronnie sa mga kilalang personalidad na naging frontliner sa gitna ng pandemic na kinakaharap ng bansa.

Ayon sa Armor Pambato Division, ang dalawang award na natanggap ni Ronnie ay sumisimbolo sa kanyang katapangan, dedikasyon, at kasipagan sa kasagsagan ng quarantine.

Samantala, magbabalik trabaho na si Ronnie sa pag-aartista, at isa ang gagawin nitong proyekto ay ang Filipino adoption ng Korean nobela na Crash Landing on You.