Nagpaabot ng pakikiramay si army reservist Ronnie Liang sa 4 na sundalong nasawi sa kamay ng police officers sa nagyaring shooting incident sa  Jolo, Sulu.

Ronnie Liang, nagpaabot ng pakikiramay sa 4 sundalong nasawi sa Sulu

Showbiz

Nagpaabot ng pakikiramay si army reservist Ronnie Liang sa 4 na sundalong nasawi sa kamay ng police officers sa nagyaring shooting incident sa  Jolo, Sulu.

Ani Liang, nang nabalitaan niya ang insidente ay lubhang kalungkutan ang naramdaman niya.

Dagdag pa nito, hinding-hindi niya makakalimutan ang 4 na sundalong namatay para sa bayan kabilang dito si Army Major Marvin Indammog, Army Captain Irwin Managuelod, Army Sergeant Jaime Velasco, at si Army Corporal Abdal Asula.

Bilang paggalang, inalay ni Ronnie ang 8o’s song na Awit Kawal sa dedikasyon ng mga sundalo para sa bayan.

Nanawagan naman si Ronnie at sinabing bilang army reservist, 2nd lieutenant, nais mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng 4 na sundalo sa kamay ng mga awtoridad sa Sulu.