Connect with us

Rollout sa COVID-19 vaccination program sa bansa, magsisimula na

Aarangkada na ngayong  araw, Marso 1 ang national vaccination program ng pamahalaan.Ito ang sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez

National News

Rollout sa COVID-19 vaccination program sa bansa, magsisimula na

Aarangkada na ngayong  araw, Marso 1 ang national vaccination program ng pamahalaan.

Ito ang sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez sa pagdating ng mga donasyong bakuna kontra COVID-19 ng China sa bansa.

Ayon pa kay Galvez, dahil sa pagkakaroon na ng bakuna kontra COVID-19, umaasa ito na liliit na ang bilang ng kaso ng impeksyon sa buong bansa hanggang sa tuluyan na itong mawala.

Nanawagan naman si Galvez sa mga nasa prayority list na babakunahan na makiisa at magpabakuna kontra COVID-19 para sa kaligtasan ng buong bansa.

Ang Coronavac ng Sinovac ang ikatlong COVID-19 vaccine brand na binigyan ng emergency use authorization  mula sa Philippine Food and Drug Administration.

Kasalukuyan namang nakalagay sa Metropac Movers Inc. facility sa Barangay Concepcion 1 sa Marikina City ang 600-k dosis ng bakuna mula sa Sinovac.

Kahapon, dumating sa Villamor Airbase ang mga bakuna gamit ang  Chinese Y-20 transport aircraft , dakong alas-4 ng hapon.

Ang pagbabakuna ay mangyayari unang magagaganap sa COVID-19 referral hospitals ng Metro Manila.

Dahil dito, maaari nang bumalik sa normal ang Pilipinas sa una o pangalawang quarter ng taong 2023.

Ito ayon mismo kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon pa kay Pang. Duterte, mas pabibilisin ng gobyerno ang immunization program nito, kasabay nang pagdating ng bakuna mula sa Sinovac.

Ayon pa kay Pang. Duterte, target ng pamahalaan na maabot ng bansa ang herd immunity sa unang quarter ng taong 2022 sa kabila ng mga hamong kinahaharap ng gobyerno.

 

More in National News

Latest News

To Top