Inanunsyo ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Martin Delgra  na papayagan ng bumiyahe ang mga traditional jeepney ngayong linggo.

Roadworthy na traditional jeepney, makakabiyahe na ngayong linggo

National News

Inanunsyo ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Martin Delgra  na papayagan ng bumiyahe ang mga traditional jeepney ngayong linggo.

Ayon kay Delgra, inaayos at isinasapinal pa lamang ang memorandum circular na inaasahang ilalabas bukas o sa Miyerkules at sa Huwebes naman na maaaring magbalik kalsada ang mga jeep.

Binigyang-diin din nito na ang pagbabalik-operasyon ng mga tradition jeepney ay para lamang sa mga ‘roadworthy’ na siyang mahigpit na direktiba ng Department of Transportation (DOTr), alinsunod din ito sa polisiya sa hierarchy of public transport.

Samantala, inihayag ng LTFRB na tuluy-tuloy ang modernizaipon program ng pamahalaan para sa pampublikong trasportasyon na sinimulan na noong pang taong 2017, pero nilinaw ng ahensya na mananatili pa ring makapagbyahe sa mga lansanagn ang mga traditional jeepney sa gitna ng modernisasyon.

Pero giit ng ahensya, huwag na sanang isipin na pahirapan ito sa lahat dahil sa katunayan higit itong nakatutulong sa mga tsuper at operators.

Ani Chairman Delgra, ang binabago lamang ng pamahalan sa ilalim ng modernizaion program, hindi lamang ang unit ng makikita na mausok at bulok kundi pati na rin ang sistema gaya ng boundary system na napatunayang ito ay ‘inefficient’ sa maraming taon.

Binanggit ni Delgra na sa ilalim ng programa, salary based ang mga driber at mayroong mga benepisyong matatanggap.

Sinimulan namang buksan ang mga 47 ruta para  sa UV express, na may 980 express units sa buong Metro Manila

Binigyang linaw din ni Delgra na hindi magtataas ng pamasahe ang anumang modes of transportation, ito man ay bus, Public Utility Vehicles (PUVs), at UV express, taxi o Transport Network Vehicle Service (TNVs).

Aniya, hindi dapat pang dagdagan ang pasanin ng publiko gayong kapos ang halos lahat sa pera dulot ng community quarantine.

Gayunpaman, inihayag ni Delgra na gumagawa na ng hakbang ang DOTr para matulungan ang mga PUV operators upang matulungan parin ang mga ito sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.