Connect with us

Resolusyon laban sa kaso ni Senator Pimentel, ilalabas na ng DOJ

Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang piskal na humawak sa kaso ni Senator Aquilino 'Koko' Pimentel III na magpalabas na ng resolusyon sa kaso sa lalong madaling panahon.

National News

Resolusyon laban sa kaso ni Senator Pimentel, ilalabas na ng DOJ

Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang piskal na humawak sa kaso ni Senator Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na magpalabas na ng resolusyon sa kaso sa lalong madaling panahon.

Kasabay nito ay sinabi ni Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon na submitted for resolution na ang kasong isinampa ni dating Makati School of Law Dean Atty.Rico Quicho laban sa sinasabing paglabag ni Pimentel sa quarantine protocol.

Nabatid na nitong September ay binuksan muli ang preliminary investigation sa kaso ni Pimentel matapos natanggap na ng DOJ ang resulta ng imbestigasyon na ginawa ng NBI.

Si Pimentel ay kinasuhan ni Atty.Quicho sa noong April 5 ng mga kasong paglabag sa Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, at iba pang patakaran ng Department of health.

Ito ay dahil pumasok si Pimentel sa Makati Medical Center para samahan ang kanyang misis, gayung alam naman niya na siya ay person under investigation matapos niyang nakasalamuha ang isang positibo sa COVID-19.

More in National News

To Top