Connect with us

Reproduction number sa NCR, bumaba pa sa 0.61

Patuloy ang pagbagal ng reproduction number o ang bilis ng hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

National News

Reproduction number sa NCR, bumaba pa sa 0.61

Patuloy ang pagbagal ng reproduction number o ang bilis ng hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Sa Twitter post, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na naitala na lamang sa 0.61 ang reproduction number sa NCR mula sa 0.74 noong nakaraang linggo.

Ayon kay David, bumaba rin sa 1.933 ang 7-day average sa Metro Manila, ang pinakamababa simula noong Hulyo 31 hanggang Agosto 6, bago ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa rehiyon.

Nasa 12% naman aniya ang positivity rate sa NCR habang ang kasalukuyang average daily attack rate ay nasa 13.65 kada 100,000.

Dagdag pa ni David, nananatiling nasa moderate risk sa COVID-19 ang Metro Manila.

More in National News

Latest News

To Top