Connect with us

Report ng Philhealth Task Force, hawak na ni Pangulong Duterte

Isinumite na ng DOJ kay Pangulong Rodrigo Duterte ang report ng Philhealth Task Force hinggil sa anomalyang kinasasangkutan ng (Philhealth).

National News

Report ng Philhealth Task Force, hawak na ni Pangulong Duterte

Isinumite na ng Department of Justice kay Pangulong Rodrigo Duterte ang report ng Philhealth Task Force hinggil sa anomalyang kinasasangkutan ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).

Nakapaloob sa nasabing report ang naging evaluation ng ibinigay ng labing-apat na witnesses, mga summary ng iba’t-ibang kaso na sinilip kaugnay sa anomalya ng insurance company, mga dokumento na pinasa ng ilang resource persons at mga rekomendasyon ng mga kinauukulan gaya ng Senado.

https://www.facebook.com/DZAR1026/photos/a.203070253065875/3656020204437512/

Nakabatay rin sa pitong hearing na naisagawa na ng Kamara ang isinulat ng Philhealth Task Force sa isinumiteng report nito.

Sa ngayon, hindi pa isiniwalat ang detalye ng nasabing report na may isang daan at pitumput pitong pahina.

Ang PhilHealth task force ay binuo noong August 07, 2020 kung saan naatasan itong magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa anomalya sa loob ng Philhealth.

More in National News

To Top