Connect with us

Repatriation ng mga Pinoy sa India, maaaring magsimula sa oras na magbalik na ang commercial flights

72-hour window para sa mga international flight kasunod ng enhanced community quarantine, inalis na

International News

Repatriation ng mga Pinoy sa India, maaaring magsimula sa oras na magbalik na ang commercial flights

Sinabi ng Philippines’ envoy to India na plano ng pamahalaan na magkaroon ng repatriation para sa mga pinoy sa India sa oras na magbalik na ang commercial flights sa New Delhi.

 

Ayon kay Philippines’ envoy to India Ambassador Raymond Bagatsing, malabong magkaroon ng repatriation sa ngayon dahil sa wala aniyang direct flights sa Manila at mayroon ding travel restrictions ang mga kalapit-bansa.

 

Ani Bagatsing, sa ngayon ay iisang Pinoy pa lamang ang lumapit sa kanila upang makabalik ng Manila at kailangan aniya ng hindi bababa sa 150 pasahero upang makapag-schedule ng flight pabalik ng pilipinas.

 

Sa ngayon ani Bagatsing ay patuloy ang pakikipag-ugnayan ng embahada sa Filipino community sa India.

 

Matatandaan na nagpatupad ang Pilipinas ng dalawang linggong travel ban sa mga pasahero mula india na magtatagal hanggang mayo 14.

 

More in International News

Latest News

To Top