Connect with us

Rep. Romualdez, susuportahan ni PRRD kapag tumakbong VP sa 2022

Rep. Romualdez, susuportahan ni PRRD kapag tumakbong VP sa 2022

National News

Rep. Romualdez, susuportahan ni PRRD kapag tumakbong VP sa 2022

Bagama’t good idea ang pagtakbo bilang Vice President, ani Pangulong Rodrigo Duterte, nagpahayag itong hindi pa rin siya marahil tatakbo sa mataas na posisyon sa 2022 national elections.

Sa isang talumpati na ginanap sa Palasyo ng Malakanyang nitong Miyerkules, sinabi ni Pangulong Duterte na magandang ideya ang pagtakbo bilang vice president lalo’t mayroon pa siyang mga laban na nais ipagpatuloy.

Ito ay tulad na lamang ng kampanya nito kontra sa iligal na droga, korupsiyon at krimen.

Binanggit din ng punong ehekutibo ang mga programa nitong nais na maipagpapatuloy tulad ng mga proyektong pang imprastraktura.

Subalit, ani Pangulong Duterte, hindi pa rin siya marahil sasabak sa vice presidential race, bagkus, susuportahan niya si House Majority Leader Martin Romualdez kapag tumakbo ito sa pagka-bise presidente sa eleksyon sa susunod na taon.

Aniya, “Pag tumakbo si Romualdez, wala ako. ‘Pag hindi tumakbo si Romualdez, wala rin ako siguro.”

Isinaysay pa ni Pangulong Duterte na noong panahong nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa Kamara de representante patungkol sa kung sino na dapat ang umupo bilang susunod na House Speaker, sinabihan niya si Romualdez na umatras na sa usaping ito.

Sa pagkakataon na iyon, ipinangako ng Pangulong Duterte ang suporta kay Romualdez sakaling tumakbo ito bilang vice president.

Kaya naman sambit ng punong ehekutino, kikilalanin niya ang kaniyang mga binitiwang salita.

Bilang tugon sa pahayag ni Pangulong Duterte, ay pinasalamatan ni Cong. Romualdez ang presidente sa kumpyansa at tiwala nito sa kanya.

Ani Romualdez, “I thank President Rodrigo Duterte for his trust and confidence in me to hold the second highest position of the land. I am deeply honored that he considers me, a Congressman from the Eastern Visayas worthy to serve as the country’s next Vice President.”

Sa ngayon, pinag iisipan pa niya ang kanyang opsyon hinggil sa 2022 elections.

Dagdag pa ni Romualdez, sa kasalukuyan, nakapokus muna siya sa marami pang batas na dapat ipasa para mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino sa panahon ng pandemya.

“As the Majority Leader of the House of Representatives, I am focused on steering the approval of vital legislative measures that the President wishes to be passed before his term ends next year,” saad ni Romuladez.

Nagpasalamat din ang mambabatas kay Pangulong Duterte sa tiwala at nagbigay ito ng katiyakan sa punong ehekutibo na hindi ito bibiguin sa usaping pagkakaisa sa paglilingkod sa mamamayang Pilipino.

More in National News

Latest News

To Top