Connect with us

Rep. Defensor, nilinaw na may human-grade din ang gamot na Ivermectin

Iginiit ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor na hindi lamang veterinary-grade ang taglay ng gamot na Ivermectin.

National News

Rep. Defensor, nilinaw na may human-grade din ang gamot na Ivermectin

Iginiit ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor na hindi lamang veterinary-grade ang taglay ng gamot na Ivermectin.

Sa panayam ng Sonshine radio kay Defensor, sinabi nito na may human- grade din ang Ivermectin.

Isang fake news din ang mga pahayag na may veterinary-grade lang ang naturang gamot.

Nilinaw naman ni Rep. Defensor na hindi niya pinipilit ang paggamit ng Ivermectin at ipinauubaya niya sa regulators para magpahayag kung pwede ng gamitin ito laban sa COVID-19.

“Sa akin fake news ‘tong kinakalat na ganitong balita. Hindi po totoo ‘yan. May human-grade Ivermectin at ‘yan po ang isa sa mga ginamit noon sa Africa, sa paggamot ng River Blindness.3.7 billion na po ang gumamit nito, 40 years na itong nangyari. May human-grade po talaga.”

Ang hindi lang maintindihan ng kongresista ay kung bakit maaaring i-prescribe sa ibang bansa gaya ng Estados Unidos at Australia ang paggamit ng gamot subalit sa Pilipinas ay ipinasasara pa ang laboratories na gumagawa nito.

Ibinabala pa ng Department of Health(DOH) na tatanggalan ng lisensya ang mga doktor na magrerekomenda nito.

Ani Defensor, bakit hindi nalang pabayaan ang paggamit ng Ivermectin para sa COVID-19 patients at magbigay nalang ang mga doktor ng listahan sa kanilang nirekomendahan para sa monitoring.

Mababatid na noong Marso 3 nang nagpositibo si Defensor sa COVID-19 subalit pagkatapos ng isang araw ay nakarecover ito sa sakit dahil sa pag-inom nito ng Ivermectin.

More in National News

Latest News

To Top