Connect with us

Rep. Defensor, nakapaghain na ng kandidatura sa pagka-mayor ng Quezon City

Nakapaghain na ng Certificate of Candidacy (COC) si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor sa pagka-mayor ng Quezon City

Metro News

Rep. Defensor, nakapaghain na ng kandidatura sa pagka-mayor ng Quezon City

Nakapaghain na ng Certificate of Candidacy (COC) si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor sa pagka-mayor ng Quezon City

Sinabi ng dating konsehal ng lungsod na hahamunin nito si reelectionist Mayor Joy Belmonte.

Nagpasa rin ng COC si Councilor Winnie castelo bilang running mate ni Defensor.

Ayon kay Defensor ang mahinang COVID-19 response sa QC ang isa mga nag-udyok sa kanyang tumakbo.

“Ang Quezon City pinakahuli na nagkaroon ng quarantine center, kaya ang nangyari tuloy sa amin tatlo, apat nag-positibo sa COVID buong community sinasara, lahat walang trabaho. Ang nagiging solusyon lang nila parati, lockdown- ayuda, lockdown ayuda. Hindi dapat ganon.”

Suportado ng tatlong incumbent congressman para tumakbong mayor ng Quezon City si Defensor.

“I’m very happy na doon sa apat na incumbent congressmen, 3 kasama natin. Congressman Onyx, Congressman Precious Hipolito, and Congressman Alan Reyes,” saad ni Defensor.

Aniya pa, “Isa rin yung indikasyon na bakit yung mga nakaupo sa ngayon ay humiwalay at sumama sa atin. Isang malaking bagay yun, pag-iisip kung bakit ako nagdesisyon.”

Pinag-aaralan naman ng kampo ni Defensor ang pagsasampa ng kaso laban kay Mayor Joy Belmonte sa Ombudsman sa isyu ng overpriced na ayuda at face shield ng Quezon City Government.

“If she can prove that there’s no overpricing, nag-file na ko. Pero iwiwidraw ko to, aalis ako sa pagkandidato. Esa-substitute nako ni Winnie Castelo para tumakbong Mayor kung walang overpricing.”

Isa si Defensor sa 70 mambabatas na bumulo laban sa franchise renewal ng broadcasting network na ABS-CBN na nasa Quezon City.

More in Metro News

Latest News

To Top