Connect with us

Renta ng mga pork vendor sa palengke, huwag munang singilin – MMDA

Kukumbinsihin ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ang mga alkalde sa Metro Manila na huwag nang maningil ng rental fees sa mga tindero ng baboy at manok sa palengke na hindi nakapaghanapbuhay dahil sa kakulangan ng suplay.

Metro News

Ito’y matapos ipanukala at ipatupad ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pag-alis sa bayad sa renta para sa puwesto kada araw.

Ayon kay Abalos, nakikipag-ugnayan sila sa national government at naka-monitor sa daily feedback mula sa traders, market masters at LGUs upang maibalik sa normal ang suplay at retail prices sa lalong madaling panahon.

Makikipagpulong ang opisyal sa National Capital Region (NCR) mayors para talakayin ang mga hakbang upang matulungan ang hog retailers na maibsan ang epekto ng kakulangan sa suplay.

Tiniyak naman ni Abalos na maipatutupad ang standardized measures sa LGUs para masigurong nasusunod ang price ceiling sa lahat ng pamilihan sa rehiyon.

Pinuri rin nito ang pagsisikap ng Department of Agriculture at DTI na magkaloob ng loan assistance sa mga market vendor.

More in Metro News

Latest News

To Top