Connect with us

Remdesivir, gagamitin na ng DOH kontra COVID- 19

Gagamit na rin ang Department of Health ng Anti-viral drug na Remdesivir para makatulong sa paggaling ng mga pasyenteng may COVID-19.

COVID-19 UPDATES

Remdesivir, gagamitin na ng DOH kontra COVID- 19

Gagamit na rin ang Department of Health ng Anti-viral drug na Remdesivir para makatulong sa paggaling ng mga pasyenteng may COVID-19.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, napatunayan na 30% itong makakatulong upang makarekober ang isang COVID-19 patient .

Ani Duque, magiging bahagi ng COVID-19 treatment ang remdesivir dahil ginagamit narin ito sa ilang pribadong ospital sa bansa.

Subalit nilinaw ni Duque na hindi lahat ng pasyente ay bibigyan ng remdesivir at mangagaling sa FDA ang approval sa mga bibigyan nito.

Ang Remdesivir ay dati naring ginamit laban sa pagkalat ng Ebola virus na nabanggit din ni US President Donald Trump bilang gamot sa virus.

More in COVID-19 UPDATES

To Top