religious services

Religious services at work conferences, pwede na sa MGCQ

National News

Pwede na ang mass gathering sa mga religious services at work conferences sa mga lugar na nasa modified general community quarantine (MGCQ).

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, sa ilalim ng IATF Resolution No. 43 ay 50% lang sa kabuuang seating capacity ang pinapayagan sa mga religious and work conferences gathering.

“Sa mga lugar na MGCQ, pwede na pong magkaroon ng mass gathering para sa religious purposes; pero po hanggang 50% lamang ng seating capacity. Marami pong matutuwa sa balitang yan.”

Samantala, sa ilalim ng bagong resolusyon, binawi na ang pagpayag sa publiko na lumabas ng kanilang bahay sa MGCQ.

Hindi na pinapayagan ang mga bata, mga mayroong edad 21 pababa at mga senior citizens na 60 ang edad pataas. Hindi maaaring lumabas ng bahay ang mga mayroong immunodeficiency, comorbidity, buntis, at iba pang may health risks maliban na lang sa mga authorized persons out of residence o APOR.

“Sa galaw ng mga tao sa MGCQ, kung saan nakasaad sa dating guidelines na pinapayagan ang lahat na lumabas kanilang mga bahay, eh nagkaroon po ng pag-amyenda rito.  At ngayon po sa resolution 43, eh mananatiling hindi po pwedeng lumabas ng bahay ang mga bata, 21 years old below at ating mga seniors 60 years and above subject mo doon sa exceptions na kung kinakailangan for necessities and para magtrabaho.”